REP. JOCELYN P. TULFO
ACT-CIS Party-list
Member, Committee on Social Services
https://www.facebook.com/jocelyntulfoinaction/ | 09177292437
NO CIVIL UNION BILL YET IN CONGRESS, BUT THERE ARE TWO CIVIL PARTNERSHIP BILLS
The statement of Pope Francis is not a papal act like a decree or an apostolic constitution.
There is no bill yet pending in Congress now that would confer civil union rights and protections same-sex couples seek as referred to by Pope Francis, ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn P. Tulfo noted in a statement issued over the weekend.
“Sa House of Representatives, mayroong dalawang bill ukol sa civil partnership at dati mayroong bill sa same-sex property relations. Sa Senado, mayroong bill tungkol sa property relations ng same-sex partners, pero walang bill tungkol sa civil union o civil partnership, o marriage para sa same-sex partners,” Tulfo said.
“Apat na uri ng pagsasama at kontrata ang isyu ngayon: Marriage, Civil Union, Civil Partnership, at Partnership. Pinakamataas ang marriage o kasal. Sunod diyan ang civil union. Sunod naman ang civil partnership. Pinakamababa ang simpleng Partnership. Mayroon nang umiiral na batas para sa marriage (Family Code) at partnership (Law on Obligations and Contracts ng Civil Code of the Philippines). Panukalang batas pa lang ang civil partnership,” she explained.
COMPARISON TABLE (see attached)
Tulfo also said the statement of Pope Francis is not a papal act like a decree or an apostolic constitution.
“Hindi niya sinabi ang kanyang posisyon pabor sa homosexuals sa pamamagitan ng isang Papal Encyclical o sa isang Apostolic Constitution o Papal Decree. Samakatuwid, hindi opisyal na posisyon o batas ng Simbahang Katoliko ang pahayag sa isang interview para sa isang documentary. Opisyal na dokumento at opisyal na batas, posisyon, turo, at doktrina ng Simbahang Katoliko kapag Apostolic Constitution o Papal Decree,” she said in the statement.
But the ACT-CIS lawmaker also pointed out that some of the civil union rights are partly achievable under the current law on Obligations and Contracts.
“Halimbawa, kung ang dalawang lalaki o dalawang babae o dalawang LGBT ay magpirmahan ng kontrata na nakasaad ang kanilang kasunduan na may gagawing serbisyo, trabaho, o produkto, ito ay maaari pero limitado sa batas ukol sa Obligations and Contracts ang saklaw ng kontrata. Maaari silang bumili ng bahay at lupa o condominium units at nakapangalan sa kanila bilang joint owners ang binili nilang bahay. Maaari silang magtayo ng isang negosyo at nakasulat sa kontrata ang hatian ng kita at bayarin maaari silang may kasunduan sa pagbabayad ng mga gastusin sa bahay. Sa mata ng batas, sila ay co-owners,”
The Law on Obligations and Contracts has limitations as regards adoption, end-of-life decisions and inheritance, Tulfo pointed out. These issues are addressed in pending bills on civil partnership.
“Pero sa isang kontratang katulad ng para sa business partners o co-owners, hindi kasama ang mga bagay tulad ng adoption na silang dalawa ang magiging legal adoptive parent kasi isa lang sa kanila ang ituturing na adoptive parent kung mag-ampon sila habang hindi adoptive parent iyong isa. Hindi rin kasama ang end-of-life and medical emergency decisions sa kontratang ganyan kasi nakareserba pa iyan sa ngayon sa pagitan ng mag-asawang kasal o spouses o common law husband and wife,” the congresswoman said.
“Para sa mga pabor sa civil union, gusto nila na bigyan sila ng karapatan sa batas para sa medical emergency consent at end-of-life decisions, at karapatang mag-ampon na silang dalawa ang ituturing na legal adoptive parents. Gusto rin sana ng LGBTQ+ na nagsasama na kasama sila sa inheritance o mana pero hindi sila kasama sa listahan ng compulsory heirs dahil nga hindi sila itinuturing na mag-asawa,” she added.
“Maaari lang magkaroon ng bahagi o share ang isang kinakasamang LGBTQ+ sa properties ng kanyang partner kung mailipat sa kanya nang legal ang titulo ng propriedad sa pamamagitan ng sale or donation,” Tulfo said. (END)