REP. BERNADETTE “BH” HERRERA
Bagong Henerasyon Party-list
Secretary-General, The Party-list Coalition Foundation, Inc.
Deputy Majority Leader | Governor, Rotary Philippines RID3780
One of House Authors, (RA 11429) Bayanihan to Heal As One Act
0917-729-2437 Twitter: @BHherrerady
Sesyon ng Kongreso magbubukas muli sa Lunes, May 4.
ANIM NA BUWANG PAHINGA SA PAGBABAYAD UTANG, LAMAN NG HB 6621 NI REP. HERRERA
Nakasalang na para sa pagbubukas muli ng sesyon ng Kamara sa Lunes, Mayo 4, ang isang panukalang batas na layong bigyan ang maliliit na negosyo ng 6 months na moratorium o hindi muna pagbabayad ng mga utang at iba pang bayarin para makabangon mula sa krisis pinansyal dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa House Bill 6621 ni Congresswoman Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon Party-list, layon niyang masagip ang milyong mga manggagawa at mga maraming maliliit na negosyo sa buong bansa.
Sakop ng bill ni Herrera ang "Non-Essential Businesses, MSMEs, and other debtors that have financial obligations with financial institutions, landlords, or other entities due within the ECQ period."
Kabilang sa mga gastusin na nakapaloob sa moratorium ang “payroll costs, social agency contributions, materials and supplies, utilities, mortgage payments, insurance payments, commercial and residential rent, creation of new businesses and renewal of existing business, at repurposing existing capital."
Bukod diyan, itinatagubilin din ng HB 6621 sa mga bangko at iba pang financial institutions na ipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa lahat kahit na sa mga hindi pa nakakatapos magbayad nang anim na buwan matapos ang enhanced community quarantine nang walang penalties, interest, o pagpapaalis sa inuupahan.
Hindi nakasaad sa panukalang batas kung paano mababayaran ang mga gastusin at utang matapos ang moratorium, ngunit dati nang nakiusap si Congresswoman Herrera sa mga regulatory agencies ng gobyerno na magpalabas ng kautusan na gawing installment, staggered o utay-utay ang pagbabayad sa mga naipon na bayarin.
"Nagpapasalamat ang Bagong Henerasyon Party-list sa Department of Trade and Industry, Energy Regulatory Commission, PLDT, at Smart sa pagtalima sa ating suhestiyon na gawing installment o staggered ang mga bayarin," ani Congresswoman Herrera.
Samantala, nagpalabas na ng memorandum ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa lahat ng mga bangko at institusyong pinansyal na huwag nilang ituring na "past due" ang anumang bayarin o utang na mapapaso mula March 8 at anim na buwan matapos ng petsang iyon.
Iniutos ng BSP sa mga bangko na magbigay ng temporary grace period sa panahon ng "exclusion" ng mga pagkakautang sa bangko. Tatagal hanggang December 31, 2021 ang exclusion period na itinakda ng Bangko Sentral. (WAKAS)